Monday, January 25, 2010

Sa Aking Minamahal

Iniibig kita, na sa'ki'y nagturing
Na iyong sintang, pinuspos mo ng ningning
Iniibig kitang sa 'ki'y umiibig
Pagmamahal mo nga'y daig pa ang langit

Binigyan mo ng buhay, isip at diwa
Pinalaki't matiyaga mong inaruga
Binigyan ng paang may lakas tumayo
At kamay na kayang humubog ng paso

Kinukupkop mo ako't tinutulungang
Maging marangal at laging tangan-tangan
Pangakong pag-ibig na 'yong isinulat
Nasa isip ko't sa puso'y, walang tinag

Sa ating taimtim na pagmamahalan,
Malimot ka'y napakadalas nga naman
Ngunit ito'y 'sang bagay na sa 'yo'y hindi,
'Pagkat sumumpa ka na hindi babawi

O anong sarap ng iyong mga yakap
Bawat araw, ito ay aking pangarap
Na ang mas malaking bahagi ng buhay,
Sa piling mo magugol, 'wag nang mawalay

Ano itong pag-ibig na iyong taglay?
Sadyang 'di maubos ang tangan na saysay
Hindi lang libingan ang iyong sinisid,
Agwat ng lupa't langit, siya ring tinawid.

2 comments:

Wildcard07 said...

did you pen this one? if so, hindi ko naisip na makata kang bruha ka. hahahaha. napakalalim para sa tagalog level ko hahahaha... nako...tsktsk

KZRemojo said...

Haha! Well Ate Penny, our God and His Great & Amazing Love brings out the poet in me. Indeed :-D