Friday, August 7, 2009

Buhay: Sa Pananaw ng Isang Jeepney Drayber

Ako'y isang jeepney drayber, kumikita ng humigit-kumulang P3000 kada-pasada. P800 dito napupunta sa boundary, P2000 sa gasolina. Kung sinusuwerte, nakakapag-uwi ako ng P100- sapat na upang pansamantalang papayapain ang bibig ng mahal kong asawa. 'Pag malas naman, kulang pang pang-boundary ang aking kinita. Sa buong araw kong pagbababad sa trabaho, ako pa nagka-utang, hehe.

Sa tuwing masikip ang trapik at hindi halos gumagalaw ang mga sasakyan, nabibigyan ako ng pagkakataong tumulala upang mag-isip at magmuni-muni. Pero sa mga pagkakataong iyon, pinipili ko na lang 'wag mag-isip. Dahil sa 'king pag-iisip, lalo ko lang nakikita ang aking kasawiang palad, ang kahirapan ng aking buhay. Kaya dinadaan ko na lang sa tawa, at itinatago sa ngiti. Tinatawanan ko lahat ng puwedeng tawanan, kahit ang mga pinaka-hindi nakakatawang mga bagay. Basta makatawa lang.

Pero sa bawat paimbabaw na ngiti at mga pilit na tawa, may nakapanghihinang kalunngkutan, na kahit kailan, sa sarili ko'y 'di ko maaaring ikaila.

eto ang problema,
ano ngayon ang solusyon?

7 comments:

KZRemojo said...

Bunga ng aking halos apat na taong pagtangkilik sa mga dyip sa Espana at hindi uunting oras ng pakikipagusap sa mga tsuper nito.

-KZMR

Jez said...

Pang-i-witness :D
Anyway, on a more serious thought, siguro what you refer to as Bunga ng aking halos apat na taong pagtangkilik sa mga dyip sa Espana builds up in you a passion to share God's word to these jeepney drivers.

KZRemojo said...

Listening to people's stories is experiencing life. and yes, yun ang lagi kong purpose when I talk to them :-)

KZRemojo said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

Listening to people's stories is experiencing life. --> I sooo agree to this! :D

Wildcard07 said...

Nice nice...

Wildcard07 said...

Nice nice...