Ika-7 ng Mayo
Mahal Kong Ikaw,
Kamusta na? Mangilan-ngilang buwan na din nang huli akong makatanggap ng liham mo. Marami tayong kailangang pag-usapan.
Tinanggap ko na ang proyektong ipinapagawa ni Karding (‘yong ikinukuwento ko sa’yo matagal na). Tila iyon na lang kasi ang tanging paraan. Sabi niya dapat ko daw itong matapos sa loob ng dalawang linggo. Kalahati pa lang ang natatapos ko sa ngayon.
Kamusta na nga pala iyong mga binilin ko sa’yo? Natanggap mo na ba yaong kahong ipinabigay ko kay Rita para sa’yo? Nabuksan mo na ba ito? Ingatan mong mabuti ang laman niyan at hangga’t maaari, huwag mong hayaang may ibang makaalam. Balak kong pumunta diyan sa isang buwan. Hay, kung alam mo lang, ang dami kong nais sabihin sa’yo; ang dami mong kailangang malaman, ngunit gaya na rin ng payo ng itay, hindi pa ito ang tamang panahon. Ihanda mo ang iyong sarili sa mga posible mong malaman, ‘pagkat ito’y mga bagay na hindi pangkaraniwang naririnig ng mga tao. Ipagpaumanhin mo kung pinasasabik o pinag-aalala man kita. Hindi ko lang nais mabigla ka sa mga darating na pangyayari.
Alam mo bang buhat nang umalis ka’y hindi kakaunti ang mga problema’t suliraning bumisita dito. Kung mahina ang loob ng isang tao, maaaring siya’y sumuko na sa kanyang mga naranasan sa lugar na ‘to. Gayunpaman, kitang-kita ko naman kung paano siyang nagpupursigeng magpatuloy sa paglalakad.
O anong rami ng aking mga pangarap at nais mapangyari! Gayunpaman, nararamdaman kong wari’y hindi ko na aabutan ang karamihan dito. Kung tama man ako o mali – panahon lang ang makapagsasabi.
Maraming balitang nalalapit na daw ang kanyang pagpunta dito sa ‘tin. Siya umano ay nasa Bansang Hapon sa ngayon ayon sa mga nakasaksi, at ayon sa usap-usapan, paparito siya sa Pilipinas sa Agosto.
Huwag mong limutin ang aking mga bilin. Gaya ng aking pangako, pupuntahan at susunduin kita diyan sa Hunyo. Tapos, sabay natin siyang kakausapin.
Hintayin mo ‘ko.
Lubos na Nagmamahal,

Ako
P.S. Makatutulong nang malaki ang iyong mga dasal.

2 comments:
one deep letter...
r u a pk? =)
-ate rej/davao
(copied reply to ur reply *wink*)
Uu. Dun ko yata nakita link mo. hehe. ah, hindi ka PK, pero pastor-on-the-making? =)
*where's ur cbox?
Post a Comment