Thursday, March 12, 2009

Ang Dulot ng Kasalanan

‘Lang dulot ang kasalanan
Hatid lang niya’y kalungkutan
Lungkot na nagpapabigat
Na sa buto’y pampahina

Uubusin ang ‘yong galak
Sisimutin pati lakas
Hanggang matira lang sa ‘yo
Ay tila mumog sa lapag

Wari ba’y ‘yong pagpapalit
Ang Buhay na matiwasay
Sa sinisigaw ng laman
Na sandaling kaaliwan?

Kayrami na ng natumba
Kayrami na ng bumagsak
Lahat nga sila’y patunay
Kasalana’y pumapatay

‘Di mabilang na kalul’wa
Daang mal’wang tinutungo
Paglalakbay- anong saya
Ngunit destinasyo’y impiyerno

Sa Diyos ng ‘yong kabataan
Ibaling ang mga mata
Nang ngiti ng kapayapaa’y
Muling gumuhit sa mukha

Karunungan ay sa Kanya
Pag-intinding ‘lang sing taas
Kagaya Niya’y ano’t wala
Hatid Niya’y Buhay na Wagas

© 2009, Karl Zion M. Remojo

1 comment:

KZRemojo said...

-a poem I was inspired to write on the way home in a jeepney. I finished it at McDonald's