Sa ‘yong mga mata, aking saksi
Ang mga bagay ng hinaharap
Mga Sinag ng Bukang Liwayway
Na siyang patuloy ang pagliwanag
Sa ‘yong mukha’y nakikita sila
Mga perlas na tunay nga’y atin
Yamang hindi maikukumpara
Sa kahit ‘no mang sa mundo’y galling
Maganda ang nasa hinaharap
Maliwanag ang dala ng bukas
‘Di malayo ang yaong pangarap
Tago man kabuuan ng landas
Kung ikaw nga ay para sa akin
Ang Diyos lang ang makapagsasabi
At kung ikaw nama’y sadyang hindi
Ano pa’t layon Niya ang mangyari
Detalyeng buo’y lingid sa ‘king diwa
May mga bagay na ‘di mahinuha
Ang Kanyang Daan ay lalakaran ko
At sa Bahay Niya – ako’y magtutungo© 2009, Karl Zion M. Remojo
Thursday, March 12, 2009
Bukang Liwayway (Tula 258)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
-was written the same time as the poem "Ang Dulot ng Kasalanan", in the same place.
Hello!
I would like to ask if I can use a part of your poem for my project in school. Giving your permission is much appreciated! I would put proper citations for it, at least.
Thank you so much! :)
Post a Comment