Paubos na ang mga baraha sa mesa at paubos na din ang aking mga sasabihin - ang buhay ay hindi biro. Alam kong alam mo na 'yan dahil sinabi ko na ito nung simula. Ngunit hindi porke hindi laro ang buhahy, hindi nangangahulugang hindi na ito puwedeng tawanan. Ang totoo nian - masarap mabuhay. Mahirap - oo, pero masarap at masaya.
Imperpekto ang mundong ito - sa tingin ko, hindi na lingid sa'yo yan:
- Maraming masasamang tao ang malayang gumagala, at maraming inosenteng tao ang nakabilanggo.
- Maraming mga gahaman at pusakal ang nakaupo sa puwesto at maraming malilinis ang puso na nasa maruruming lansangan.
- Maraming mahihirap ang inaapi at maraming mapang-aping hindi naghihirap.
May nakapagsabi sa akin dati na ang pinakakaawa-awang tao raw sa mundo ay 'yung mga walang inaasahang maganda sa buhay. Ngunit mas kawawa ka kung ang lahat ng iyong pag-asa at mga inaasahan ay nasa pangkasalukuyang buhay na ito lamang. Mayroong mga tao ng kung makapag-plano at makapagpayaman, akala mo, isang milenyong mabubuhay at titira dito sa daigdig, ngunit sa aking pagkaka-alam, wala pang nakakagawa nun, at walang makakagawa nun.
Ang buhay natin ay tila isang munting patak ng tubig lamang sa gitna ng isang malawak na karagatan, isang butil ng asukal sa buhanginan. Selah (pagbulayan). Balang araw, ang ating buhay ay magwawakas, ang mga baraha'y mauubos, ang laro'y matatapos at ang lahat ng ating mga pinakamamahal (tao man o bagay) ay maglalaho at mawawala. Kaya ano ang pinakamagandang gawin? Enjoyin ang sarili habang maaga at "unti-unting lunurin sa kasiyahan"? Maaari, oo. Maganda nga din yun at walang masama dun. Ngunit alam naman natin na kahit paano mo enjoyin ang isang laro ng pustahan sa baraha, iisa lang pa rin ang maaaring maging masaya sa huli, at 'yun ay ang nanalo. Ang maaari lamang gawin ng mga natalo ay magmukmok/malungkot, o magkunwaring masayam, upang magmukhang bale wala lang sa kanila ang lahat.
Ngunit mayroong magandang balita dito. Dahil hindi gaya ng tong-its, ang buhay ay hindi naman kailangang mgaing sugal. Hindi na natin kailangang mabuhay nang walang katiyakan at walang kasiguraduhan. Maaari na tayong sumuko habang maaga. Sumuko - hindi sa laban ng buhay - kundi, sa may Bigay ng ating Buhay, isuko ang ating buhay sa Panginoon. . .
Oh. . .bakit nag-iba ang mukha mo? Nakakagulat bang isipin na ang sulating ito ay tungkol sa Kanya? Hindi mo ba ito inaasahan? Okay lang 'yan, ganyan din naman ang pananawa ng marami. Ewan ko ba, pero tuwing pinag-uusapan na Siya, ganoon na lang maka-react ang iba. Heheh, 'wag kang mag-alala, hindi sermon sa misa 'to, isang paalala lang naman. Paalala na ang magulo, marumi, at bulok na mundong ito ay hindi dapat pumigil sa 'tin sa pagtawag sa ating Manlilikha. . .
Dahil sa gitna ng isang masama at imperpektong mundo, kung saan ang lahat ayLibre lang tumawag sa Kanya. Walang mawawala sa'tin sa pagtawag, ngunit maraming mawawala kung patuloy tayong magbibingi-bingihan. 'Nga pala, 'eto hotline Niya. Personalin mo na Siya, dahil personal din Siya sa'y
walang katiyakan, mayroon tayong Mabuti at Perpektong Diyos, na ang hatid ay
kasiguraduhan.
"Ang paggawa ng mga libro ay walang katapusan, at ang sobrang pag-aaral ayOh. . .Pa'no ba 'yan? TONG-IT na ko!
kapaguran lamang sa katawan. At ngayong ang lahat ay nasabi na at nadinig,
atin
nang pakinggan ang buod ng napag-usapan: Mahalin mo ang Diyos at sundin
ang
Kanyang mga utos, 'pagkat Kanyang hahatulan ang lahat ng mga gawaing
ginawa dito
sa lupa, maging ang mga bagay na ginawa nang patago, mapa-mabuti
man, o masama." (source/pinagkunan)
© 2008, Karl Zion M. Remojo
Nakumbinsi ka ba ng iyong mga nabasa?
Were you convinced by what you've read?
2 comments:
Magandang akda, G.Manunulat :-)
Nawa'y maraming 'sumuko sa Kanya' sa pamamagitan ng sulating ito.
Pagpalain ka pa ng Panginoon!
Iyan din ang taimtim kong panalangin at nais kaibigan.
Ikaw din, pagpalain ka pa ng ating Panginoon
Post a Comment